Maligayang pagbati para kay Armando A. Agustin, guro ng Bukidnon National High School Malaybalay bilang isa sa mga nagwagi sa Ulirang Guro 2014 na pinangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) alinsunod sa Memorandum Pangkagawaran Blg. 64, s. 2014 hinggil sa pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Wika ng Pagkakaisa.”
Makakatanggap ng KWF medalyon at sertipiko ng pagkikilala si G. Agustin mula sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN),KWF, Manila na ipapadala sa pamamagitan ng Direktor Sentro ng Wika at Kultura sa Rehiyon X ni Rodello Pepito ng Bukidnon State College Lungsod ng Malaybalay. Hinihikayat ng KWF Manila na magsasagawa ng programa sa ika -19 ng Agosto 2014 upang igawad kay G. Agustin ang kanyang parangal na maging bahagi ang gawaing ito sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Sa higit isandaan at dalawampung kalahok si G. Agustin ay nagwagi at nagsisilbing halimbawa ng isang mahusay at tapat na guro. Ang karangalan mo ay karangalan din ng ating paaralan at Sangay ng Malaybalay. Mabuhay po kayo. Ang galing galing mo! Saludo kami at hangang – hanga sa tagumpay na iyong nakamit .
Lubos na nagpapasalamat ang Tanggapan ng Tagapamanihala sa pamumuno ni G. Edilberto L. Oplenaria sa aktibong pakikibahagi ng BNHS na pinangungunahan ni G. Pariso L. Orong sa patimpalak sa Ulirang Guro sa Filipino 2014. Inaasahan ang patuloy na pagtangkilik sa mga programa ng ating departamento. Congratulations BNHS!!