Malaybalay City Division Itinanghal na kampeon

val monthItinanghal na kampeon ang Malaybalay City Division sa ginanap na 2014 Regional Edukasyon sa Pagpapakatao/Values Education Month Celebration sa Regional Educational Learning Center (RELC), Lapasan,Cagayan de Oro City noong Nobyembre 24.

Ang kumpetisyon ay sinalihan ng 14 na dibisyong bumubuo sa Rehiyon X na kung saan ay ipinadala ang mga magkamit ng unang puwesto sa ginawang Pansangay na patimpalak. Ang bawat kalahok ay nagpakitang gilas sa kani-kanilang mga talento sa pag-awit ng mga awiting nagbibigay papuri sa Panginoon, Paggawa ng poster, Tagis-talino at Pagsulat ng Sanaysay na lahat ay iniayon sa temang : “Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay sa Paghubog ng Makataong Lipunan”.

Halos lahat ng nakatanggap ng tropeo,medalya at cash award para sa nagkamit ng una hanggang pangatlong puwesto at sertipiko naman sa pang-apat at panglimang puwesto.

Mabuhay ang Malaybalay City Division!

Narito ang tala ng mga nagwagi.

val month 1

by: Lourdes O. Ducot, MCCS