Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Ama ng Wikang Pambansa! Mabuhay tayong lahat!
Sabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III “ Ang wikang Filipino bilang isang wikang buhay ay dumaan at patuloy pang dumaraan sa proseso ng pagbabago.Bilang isang bansang maituturing na multi-etniko at multi -kultural ay kahanga – hangang sa paglipas ng panahon ay nagawa ng sambayanang Pilipino na makabuo at makapagpalaganap ng isang wikang panlahat na patuloy na nagsisilbing tulay na bumibigkis at nagbubuklod sa magkakaibang komunidad –wika tungo sa iisang kamalayan at adhikain.”